Napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa March 12 episode ng "Cristy Ferminute" ang bali-balitang muling kukunin ng GMA Network ang serbisyo ni Willie Revillame para sa binubuo nilang noontime show na papalit sa iniwanang time slot ng "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc.

Binasa ni Cristy ang text message ng isang masungid na tagasubaybay ng kanilang programa ni Romel Chika, na nagsasabing baka hindi na raw makababalik si Willie sa GMA matapos nitong hindi mag-renew ng kontrata noon para sa "Wowowin" para lang samahan ang kaibigang si dating senador Manny Villar, sa pagtatayo nito ng ALLTV, ang nakabili ng channel 2 frequency na dating naka-assign sa ABS-CBN, subalit sadly ay nawala sa kanila sa di-pagkakaapruba ng prangkisa sa Kongreso noong Mayo 2020.

Komento ni Cristy, "Malinaw naman po, malinaw naman 'di ba, ipinagpalit naman niya talaga ang kaniyang home network noon (GMA Network) sa pamilya Villar bilang pagtanaw din naman, in fairness, ng utang na loob sa pamilya Villar, na walang-wala pang nagtitiwala sa kaniyang mga programa, ay nauna nang magbigay ng mga papremyong bahay at lupa... sa madaling salita, iniwan niya, tumalikod siya sa GMA!"

"Tapos ngayon, siya ang ilalagay sa pantanghaling programa? Ano 'to, 'di ba? Kaloka ha?" sundot pa ni Cristy.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Segunda naman ni Romel, so hindi raw totoo ang mga kumakalat na tsika na si Willie nga raw ang napipisil na manguna sa noontime show na balak gawin ng Kapuso Network pamalit sa TP. Abangan na lang daw ng mga manonood kung sino nga ba.

Sa ngayon daw ay may producer na si Willie pero ang problema naman, wala silang makuhang TV network.

Matatandaang pinag-iisipan ng mga netizen kung anong programa ang ilalagay sa noontime slot na iniwan ng TP. Sinasabing baka i-angat daw ang "TikToClock" o kaya naman, ilipat ang "It's Showtime" na umeere naman sa GTV.

MAKI-BALITA: Alin mas masaya? It’s Showtime, TikToClock maugong na isasalpak daw sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya

Sabi naman ni Ogie Diaz, kung gagawa naman ng self-produced show ang network ay baka mapaalis sa GTV ang It's Showtime; siyempre nga naman, prayoridad ng network ang kanilang sariling show. Sa kaso kasi ng TP, blocktimer lang sila.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ posibleng malusaw sa GTV?

May tsika pa ngang baka raw ang isalpak dito ay ang "It's Your Lucky Day" na rumelyebong show sa Showtime sa kasagsagan ng 12-airing day suspension dito ng MTRCB noong Oktubre 2023.

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ hosts muling nagkita-kita, papalit daw sa ‘Tahanang Pinakamasaya?’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Willie o ang GMA Network kaugnay ng isyung ito.