Viral ngayon sa social media ang isang video ng mga dagang nakita rin umano sa isang sulok ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Base sa TikTok video ng netizen na si “Reynjun,” nasa limang maliliit na daga ang nakitang gumagapang sa isang sulok ng NAIA Terminal 3.

Habang sinusulat ito’y wala pa namang tugon ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng viral video.

Kaugnay nito, matatandaang sinabi kamakailan ng MIAA na “hindi katanggap-tanggap” ang pagkakaroon ng mga peste sa airport. Kaya’t bukod daw sa disinfection, pinulong din daw ng pamunuan ng airport ang kanilang housekeeping, pest control agency, at medical staff para tugunan ang mga isyu ng peste sa NAIA.

National

‘May surot sa NAIA?’ MIAA, nag-sorry sa mga nakagat na pasahero

Ang naturang pahayag ng MIAA ay matapos maging usap-usapan kamakailan sa social media ang mga post ng mga pasaherong nakagat daw ng surot sa NAIA.

Matapos nito, nag-viral din ang isang daga na gumagapang naman sa kisame, maging ang video ng isang ipis na nakuhanan din daw sa upuan sa NAIA.

https://balita.net.ph/2024/03/01/pagkatapos-ng-surot-daga-nakita-rin-daw-sa-naia/

https://balita.net.ph/2024/03/04/hindi-lang-surot-at-daga-ipis-namasyal-din-sa-naia/