Naglabas ng pahayag si dating Senador Kiko Pangilinan kaugnay sa isasampa nilang reklamo laban sa isang YouTube channel na “Bungangera TV.”

Sa X post ni Pangilinan nitong Lunes, Marso 11, sinabi niyang nag-file sila ng kasong cyberlibel sa naturang YouTube channel dahil dinudungisan umano nito ang reputasyon niya bilang public servant at ng kaniyang asawang si Sharon Cuneta.

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1767027176388596081

“To gain more subscribers, this channel spread outrageous, concocted falsehoods against me and my family. Gumagawa ito ng malaswang kwento para dumami ang viewers at kumita,” lahad ni Pangilinan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“The titles, thumbnails, and all other contents of the videos pertaining to me and my family are all false, have no factual basis, and are intended to destroy or damage my reputation as a public servant, and a husband to one of the most beloved celebrities in the Philippines, Sharon Cuneta-Pangilinan,” aniya.

Dagdag pa ng dating Senador: “The libelous videos that contain public and malicious imputations are also meant to destroy my family and damage my relationship with my wife and children.”

Kasalukuyan na umano silang lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division para humingi ng tulong sa pagpepreserba ng mga video at iba pang datos kabilang na ang identidad ng sinomang nasa likod nito.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, reaksiyon, o tugon ang may-ari ng naturang YouTube channel hinggil sa isyung ito.