Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Television and Production Exponents (TAPE) Inc. kaugnay sa pamamaalam ng kanilang noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" na umeere sa GMA Network sa pamamagitan ng "blocktime agreement."

Opisyal nang huminto ang pag-ere ng replay episodes na nagsimula noong Lunes, Marso 4 hanggang ngayong Huwebes, Marso 6.

Marso 2 nang opisyal na mamaalam sa ere ang hosts nito sa pangunguna nina dating Manila City Mayor Isko Moreno at Paulo Contis, na ikinabigla ng marami dahil tila ang bilis daw.

Simula Biyernes, Marso 8, hindi na eere ang replay episodes sa GMA Network. Sa kabilang banda, nagpasalamat naman ang TAPE sa pamunuan ng GMA Network na naging tahanan nila sa higit dekada, simula noong "Eat Bulaga" ng TVJ.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"It is with a heavy heart that we inform our televiewers that our noontime show ‘Tahanang Pinakamasaya’ on Kapuso network, GMA-7, will no longer be on air effective March 8, 2024.”

“TAPE, Inc. extends its profound gratitude to its home network, GMA-7, for a long and fruitful partnership. GMA 7’s kind consideration and understanding of the company’s unwanted circumstances have been instrumental in helping the company in this transition. Despite our best efforts to save the show, both parties have reached a mutual agreement to finally call off the show.”

"To the loyal viewers, esteemed hosts, supportive advertisers, hardworking crew and dedicated employees who have been with us from the beginning – from the longest running noontime show ‘Eat Bulaga’ to the present ‘Tahanang Pinakamasaya’ – our sincerest ‘Thank you!’ and optimistic ‘See you again!’"

Samantala, nagbigay na rin ng opisyal na pahayag ang GMA Network kaugnay nito.

“GMA Network would like to thank TAPE for its invaluable contribution to noontime programming for the past decades, which Filipinos will surely remember for many years to come.”

“The Network will always be grateful to TAPE for its partnership over the past decades.”

“Maraming salamat, Kapuso.”

MAKI-BALITA: GMA naglabas ng pahayag sa pagbabu ng ‘Tahanang Pinakamasaya’

Wala pang malinaw na pahayag ang Kapuso Network kung anong show ang ipapalit dito; bagama’t nagkaroon na ng adjustment sa mga show sa hapon.

MAKI-BALITA: Alin mas masaya? It’s Showtime, TikToClock maugong na isasalpak daw sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya