Marami raw nalungkot para sa sinapit ng noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc. na umeere sa GMA Network dahil sa pagbabu nito sa ere.

Bukod sa nabawasan ng noontime show, paano naman daw ang mga staff at miyembro ng production team sa likod nito na nawalan ng trabaho?

Ang bilis nga raw ng mga pangyayari at parang walang kaabog-abog na last airing na pala nila noong Marso 2. Sa ngayon, mga replay episodes na lang ang umeere sa time slot na naiwan nila.

Nakarating daw kay Ogie at lumabas na rin sa mga balita na may outstanding balance pa ang TAPE sa GMA Network na aabot sa ₱800M. Naipon pa raw ito simula sa original Eat Bulaga.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Isa pa raw, hindi raw talaga sumisipa ang show at mas pinag-uusapan pa ang dalawang kalabang shows na "It's Showtime" at "Eat Bulaga." Iba na rin daw kasi ang trend at landscape ng panonood ng mga tao ngayon, at hindi na masyado sa free TV.

Tinanong ni Ogie ang isa sa hosts nitong si Paolo Contis kung anong masasabi nito sa nangyari sa noontime show subalit nakiusap daw ang aktor-host na huwag muna siyang kausapin.

"I asked Paolo Contis since malapit naman tayo sa batang 'yan, hiningi niya na huwag ko muna siyang kausapin. Gusto raw muna niyang mapag-isa."

Sabi raw sa kaniya, "Mare, pass muna 'ko, papahinga lang ako... sino naman tayo para kulitin 'yong bata, 'di ba?"

Anyway, wala pa raw malinaw na plano kung anong show ang papalit sa time slot ng Tahanang Pinakamasaya.