Muling kinaaliwan ng mga netizen ang isa na namang honest mistake ni TV host-actress Anne Curtis sa programang “It’s Showtime.”

Sa latest episode kasi ng nasabing noontime show nitong Sabado, Pebrero 24, nagbigay ng mensahe si Anne para sa mga OFW na dumalo sa kaniyang birthday celebration.

“As I said earlier—hindi ko alam kung nasabi siya nang maayos kasi kinakabahan ako kanina—I know na parang it’s a joke. Biro-biro natin ‘to. But I hope that during times that you guys feel sad kasi nga nami-miss n’yo ang mga pamilya ko—”

“Pamilya ko?” putol ni Vice Ganda sa pananalita ni Anne.

Leni Robredo, natanong kung tatakbo ba ulit sa 2028 presidential elections

“Bakit naman pamilya mo ang mami-miss nila kung pupunta sila ng ibang bansa? Kaaano-ano nila ‘yong nanay mo? Ba’t nila mami-miss ‘yong nanay mo? Bago pa nila ma-miss ‘yong mga kamag-anak nila, pamilya mo muna? Ano ba pakialam nila sa pamilya mo? Bakit laging inuuna ka?” litanya pa ng kaniyang co-host.

“Maling-mali. Sorry, sorry mali. Alam kong nami-miss n’yo talaga ‘yong pamilya ninyo,” natatawang paglilinaw ni Anne.

Dugtong pa niya: “And I hope during those times na parang you miss your family, e, I’m able to bring you happiness dahil sa joke na ‘yon ‘pag birthday ko. I just hope na parang kahit konti, mapatawa ko kayo. Kaya maraming-maraming salamat at you guys made it to my birthday.”

Matatandaang nauna nang nag-trend ang isa pa niyang pagkakamali sa segment na “Tawag ng Tanghalan” nang i-assume niya na mami-miss ng mga OFW ang birthday niya.