Nagbigay ng simpleng mensahe si dating senador at vice presidential candidate na si Atty. Kiko Pangilinan para sa paggunita ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power I Revolution na nagwakas sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong dekada 70.
Aniya, nawa raw ay patuloy na ipaalala sa kabataan ang mga aral ng EDSA.
Caption ni Kiko sa kaniyang post, "Patuloy nating ipaalala, lalo na sa mga kabataan, ang mga aral ng EDSA. Mabuhay ang EDSA People Power!🎗️"
Kalakip nito ang isang quote card kung saan mababasa ang kaniyang mensahe para sa lahat.
"Madali nating makalimutan ang kasaysayan. Dapat lagi nating ipinaaalala, lalo na sa mga kabataan, na ang kalayaan natin ngayon ay bunga ng dugo at pawis ng ating mga kababayan. Marami ang nagbuwis ng kanilang buhay noong panahon ng diktadurya."
"Ang paggunita natin ng EDSA People Power ay nagpapaalala na ang tunay na kapangyarihan ay nasa taumbayan," dagdag pa.