Nagsalita na ang kontrobersiyal na si Mayor Bullet Jalosjos matapos madawit sa kontrobersiya ng hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque kamakailan.

Guest si Mayor Bullet sa YouTube channel ng mamamahayag na si Jay Ruiz, kasama si dating congressman Bong Sultay.

Matatandaang isa si Jalosjos sa mga lumutang na pangalan ng politikong umano'y "benefactor" daw ni Dominic kaya nakaka-sustain ito sa marangyang pamumuhay, kahit na wala naman daw regular na proyekto sa showbiz.

Nagpasalamat muna si Mayor Bullet kay Jay dahil binigyan sila ng platform para maayos at malinaw nila ang mga isyung ipinupukol sa kanila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod sa kaniya, nakakaladkad din ang pangalan dito ni Sultay.

Unang tanong kaagad ni Jay kay Mayor Bullet ay kung paano muna sila nagkakilala ni Dominic. Aniya, nagsimula ang lahat sa hobby nila ng pagmomotorsiklo. Naging mabuting magkaibigan daw sila at naging business partners.

Takang-taka raw ang alkalde at isa sa mga may-ari ng TAPE, Inc, ang producer sa likod ng "Tahanang Pinakamasaya," kung paano raw umabot sa kailangan siyang idawit sa hiwalayan ng showbiz couple at mamalisya pa ang pagkakaibigan nila ng aktor.

Natatawa na lang daw ang dalawa dahil pati gender nila ay nakuwestyon na rin.

Bagay na sinang-ayunan naman ni Sultay. Aniya, pare-pareho raw silang passionate tungkol sa usaping kotse at motorsiklo. Dahil sa pagkahilig sa mga ito ay bumuo raw sila ng grupo na tinawag nilang "Euro Monkeys."

Bukod kay Dominic, ilan pa sa mga artistang kasama nila rito ay sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Richard Gomez, Kim Atienza, at iba pa.

As in close daw talaga silang magbabarkada at lahat sila, passion talaga ang bicycling at lahat ng mga bagay patungkol sa kotse. Palagay ni Sultay, nang-iintriga ang ilan sa kanila para lang daw pagkakitaan sila, para dumami ang views nila, lalo na ang vloggers.

Sumunod na tanong ni Jay kay Mayor Bullet ay totoo bang "sugar daddy" o siya ang sinasabing benefactor ni Dominic. Siya raw ang "nagbahay" sa aktor at umano'y may-ari ng condominium unit na tinutuluyan nito.

"Ang pangit namang pakinggang sugar daddy tayo," ani Mayor Bullet.

Inamin ni Mayor Bullet na sa kaniya ang condo na tinutuluyan ni Dominic. Ginawa raw niya itong airBNB o paupahan at naging interesado naman dito si Dominic.

Bumwelta si Mayor Bullet sa mga "nagkakalat" daw ng isyu tungkol dito.

"Unang-una itong mga nagkakalat na they are claiming that they are mga batikang journalist, sana naman ingat-ingat din. Kasi they have a responsibility to the people na dapat fact-finding. Hindi 'yong nalaman nila na nasa pangalan ko 'yong condo, sugar daddy na 'ko bigla, 'di ba puwedeng ni-rent? Di ba puwedeng binebenta? And naawa rin kami kay Dom," aniya pa.

MAKI-BALITA: Natuklasan ni Bea: Dominic, nakatira sa condo na nakapangalan sa politiko?

Nabanggit din ni Mayor Bullet ang tungkol sa "reprimand" o tungkol sa batas na posibleng gumawa siya ng hakbang sa mga taong nagpapakalat ng tungkol sa bagay na ito.

Matatandaang unang lumabas ang intriga patungkol sa condo na ito sa vlog na "Showbiz Now Na" nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez subalit hindi naman sila nagbigay ng pangalan o pagkakakilanlan kung sinong politiko ang tinutukoy nila.

MAKI-BALITA: May gay benefactor ba? Misteryo sa condo unit, kabuhayan ni Dominic inilantad

Sumunod namang nagbigay-linaw ay si dating Cong. Sultay. Naiisyu naman siya kay Dominic dahil binigyan daw niya ng gasoline station ang aktor.

Pero paglilinaw niya, endorser o celebrity driver lamang si Dominic at hindi may-ari nito.

Natatawa na lamang siya sa mga nangyari dahil at least, nakakakuha raw ng libreng advertisement ang Clean Fuel at dumarami ang followers nila ni Mayor Bullet.

Nakiusap si Mayor Bullet na itigil na ang pagkakalat ng mga tsismis na walang basehan at maghintay na lamang kung anong legal remedies ang nakaabang sa mga taong gumagawa o nagpapakalat ng ganitong isyu.