Inaresto ng pulisya ang apat katao dahil sa illegal quarrying operations sa San Ildefonso, Bulacan nitong Miyerkules.

Ipinahayag ni Bulacan Environment and Natural Resources Offices (BENRO) head Julius Victor Degala, ang operasyon ay isinagawa ng BENRO at Bulacan Police sa Barangay Sapang Putik nitong Pebrero 21.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa kustodiya na ng pulisya ang apat na suspek na sina Fernando Patac, 49, taga-Santa Maria; June Padilla, 45, taga-Marilao; Rogie Remetio, 39, at Ginglebert Verde, 46, taga-San Ildefonso.

Nasamsam sa pagsalakay ng mga awtoridad ang ilang gamit sa nasabing illegal quarrying operation, kabilang na ang mga bareta at water pump.

Ang mga suspek ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7942 (Philippine Mining Act), Section 71-A ng Provincial Ordinance C-005 (Environmental Code of the Province of Bulacan) at Executive Order No. 21 ng gobernador na nag-aatas na itigil muna ang quarrying activities sa lalawigan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Bulacan Governor Daniel Fernando na mananagot sa batas ang mga dinampot na minero.

PNA