Ibinahagi ng aktres na si Antoinette Taus ang kaniyang pananaw hinggil sa pagkakaroon ng asawa at anak nang kapanayamin siya ni Kapamilya broadcast journalist Bernadette Sembrano.

Sa isang bahagi ng panayam, sinabi ni Antoinette na hindi raw siya naniniwalang kailangang bumuo ng isang pamilya para maging masaya o matagumpay ang isang tao.

“I really just wanna accept God’s plan. I really tried to empower myself na sinabi ko: ‘Bakit ba? E, ang dami ko namang kilala na walang asawa, walang anak, or hindi nag-work out ‘yong relationships, and they’re actually some of the greatest human beings I know,” lahad niya.

“They’re actually some of my idols in life,” aniya. 

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Kaya ang sabi ng aktres: “I refuse to believe that you have to fall into these boxes, into these parang stereotypes para masabing successful ka or ‘Uy, achieve na achieve ka sa buhay’.”

In fact, masaya raw si Antoinette sa araw-araw niyang buhay sa kabila ng pagiging single. 

“I feel like a mot the end of the day, tuloy-tuloy lang ang laban no matter what. And we have to embrace and believe in our purpose,” saad pa niya.

At ang maganda raw sa kasalukuyang panahon, ayon sa aktres, unti-unti nang tinatanggap ng maraming tao ang iba’t ibang bagay gaya ng inclusion, diversity, at pagiging single nang walang anak.