Nakahandang kastiguhin ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng isang sports utility vehicle (SUV) na sangkot sa road rage incident sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kamakailan.

Sa pahayag ni LTO chief Vigor Mendoza, padadalhan muna nila ng show cause order ang registered owner ng itim na Toyota Fortuner na may conduction sticker na Z7N788 bilang bahagi ng imbestigasyon sa kaso.

Sa viral video ng insidente, makikitang nagmamaniobra ang SUV bago tumakas matapos mabangga ang kotseng Hyundai Eon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa pahayag ng mga testigo, isang lalaking senior citizen ang driver ng kotse.

Sinabi ni Mendoza na nagkaroon ng paglabag ang nasabing motorista batay na rin sa viral video.

“What the SUV did was unacceptable because after the accident, he appeared to have disregarded his responsibility,” anang opisyal.

 

Aaron Recuenco