Nagsusuka? Nahihilo? Mapili sa pagkain? Nako hindi sa pinag-ooverthink kita pero kabahan ka na lalo kung hindi n'yo naman ito plinano.

Maraming signs na puwede mong masabi na buntis ang asawa mo o girlfriend mo. Pero take note ha, hindi lahat ng babae eh pare-pareho ng nararamdaman.

Sa isang article ng Smart Parenting, inilahad dito ang ilang mga signs ng pagbubuntis.

    Human-Interest

    AI software na detector ng bara sa puso, inimbento ng Grade 11 students

  1. Delayed ang period

    Ito raw ang karaniwang signs ng pagbubuntis para sa regular na nagkakaroon ng menstruation. Pero hindi lang daw ito pwede gawing basehan dahil maaari rin daw ito sanhi ng stress, hormonal problems, atbp.

  2. Pagduduwal o morning sickness
  3. Mabilis mapagod
  4. Spotting

    Ito raw ang patak-patak na dugo na senyales ng implantation bleeding.

  5. Mapili sa pagkain o naglilihi

    May hinahanap o pinanabikan na pagkain dahil sa pagbabago umano ng panlasa. Kumbaga, minsan 'yong mga hindi niya kinakain noon eh hinahanap-hanap na niya ngayon.

  6. Maselan ang pang-amoy
  7. Madalas na pag-ihi
  8. Paninigas at pananakit ng suso
  9. Constipation
  10. Pagkakaroon ng tigyawat
  11. Mood swings
  12. Pagdadagdag ng timbang

Uulitin ko, magkakaiba ang mga babae. 'Yong iba no signs at all. Pero para mas makasigurado, pwede namang gumamit ng pregnancy test at magpakonsulta sa doktor.