Bumaba ang naitalang krimen sa bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 1, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes, sinabi ni PNP chief, Gen. Benjamin Acorda, Jr., bumaba ng 27.63 porsyento ang crime rate sa Pilipinas sa nasabing panahon.

Umabot na lamang sa 3,246 ang bilang ng index crimes, mas mababa kumpara sa naitalang 4,485 incidents sa kaparehong panahon noong 2023.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Ang index crimes ay tumutukoy sa mga seryosong krimen na kinabibilangan ng murder, rape, robbery, homicide, motorcycle theft at vehicle theft.

 

PNA