Masayang-masaya ang gurong si Teacher Melanie Figueroa mula sa Iligan City dahil ang unang recipient ng kaniyang proyektong "Laptop Para sa Pangarap" na si Dennis C. Balagbis ay nakatapos na sa kolehiyo sa degree program na "Bachelor of Science in Electrical Engineering" sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology noong Pebrero 2.

Ang nakatutuwa pa rito, siya ay nagtapos bilang isang "Cum Laude."

"Happy to share lang, after 4 years 😊 the very first recipient of Laptop Para sa Pangarap graduated this morning with latin honors," mababasa sa Facebook post ni Ma'am Melanie.

"Had I not met Dennis 4 years ago there will be no Laptop Para sa Pangarap project ( 6 more to go 😊). #LAPTOPPARASAPANGARAP," aniya.

Kahayupan (Pets)

Furbaby na nag-iinarte sa dog food, kinagiliwan

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Ma'am Melanie, sinabi niyang proud na proud siya kay Dennis na siyang dahilan kung bakit niya nailunsad ang kaniyang programang tumutulong sa mga deserving na estudyanteng kapos sa pera subalit matalino at pursigidong makatapos ng pag-aaral.

"Siya po ang kauna-unahang recipient po. Kung hindi dahil sa kaniya, di po mapapanganak ang 'Laptop Para sa Pangarap' na project. Hanga po ako sa kaniya dahil maprinsipyo po siya. Alam niya kung ano ang gusto niya. Responsable na bata at maaasahan. Proud po ako sa kung ano ang narating niya at alam ko na malayo pa ang mararating niya," anang guro.

Unang naitampok sa Balita ang tungkol sa "Laptop Para sa Pangarap" ni Ma'am Melanie, na kilala rin sa kaniyang pagiging "Santa Claus" sa mga mag-aaral na may wishlist sa tuwing sasapit ang Pasko.

MAKI-BALITA: Ang ‘Laptop para sa Pangarap’ ni Ma’am Melanie Figueroa ng Iligan

MAKI-BALITA: Guro mula sa Iligan City, instrumento sa pagtupad ng Christmas wish ng kaniyang mga mag-aaral

Bukod dito, naglunsad din siya ng "Adopt-a-Student" project.

MAKI-BALITA: Trending ‘TeacHero’ mula sa Iligan City, may ‘Adopt a Student’ project

Tinulungan din niya ang isang estudyanteng namatayan ng nanay matapos magsilang ng kaniyang kambal na anak.

MAKI-BALITA: Guro, nagpapatulong para sa estudyanteng naulila sa ina matapos magsilang ng kambal

Sa ngayon daw ay abala si Dennis sa paghahanda para sa board exam.

Congrats, Dennis at Ma'am Melanie!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!