Patuloy pa ring nakaaapekto ang trough ng low pressure area (LPA) at northeast monsoon o amihan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Pebrero 1.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat at malawakang pag-ulan at thunderstorms ang Caraga, Davao Region, and SOCCSKSARGEN dulot ng trough ng LPA na huling namataan 195 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng General Santos City sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Posible umanong panandaliang pumasok ng PAR ang LPA ngunit maliit ang tsansang mabuo ito bilang isang bagyo.

Kaugnay nito, insaahan ding magdadala ang trough ng LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Central Visayas, Southern Leyte, at mga natitirang bahagi ng Mindanao.

National

Hindi paggamit ng ‘mother tongue’ sa pagtuturo sa Kinder – Grade 3, naisabatas na!

Pinag-iingat ang mga residente rito dahil sa posible raw pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki naman ang tsansang magdadala ang hanging amihan ng maulap na kalangitan na may katamtamang mga pag-ulan sa Aurora, Quezon, at Bicol Region.

Bukod dito, posible umanong magdudulot ang amihan ng medyo maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon.

Wala namang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan sa naturang mga lugar.

Samantala, inihayag ng PAGASA na maaaring makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang mga natitirang bahagi ng Visayas dahil sa trough ng LPA at localized thunderstorms.