Nag-iisip ka ba ng magandang call sign para sa’yong future partner? o ‘di kaya gusto mo nang palitan ang call sign n’yo? Okay, we got you! Narito ang listahan ng call signs na perfect for you and your partner at pwede ring "for future purposes."

Dito muna tayo sa medyo "deep."

MAHAL KO

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Simple lang pero kapag galing naman sa minamahal mo, magiging special ito.

"I love you, mahal ko."

PANGGA

Shortened version ng "palangga" na ang ibig sabihin ay my love or beloved. Minsan ginagamit din ang "langga" or "ga."

TANGI

Shortened version naman ito ng "tinatangi" na ang meaning daw ay special someone or favorite.

"Tangi, where are we?" huyyy!

ASAWA KO

Huy! kadalasan din itong ginagamit ha kahit mag-jowa pa lang.

IROG

Puwedeng ibig sabihin nito ay sweetheart.

Dako naman tayo call signs ng mga Millennial and Gen Z's!

BABY/BABE - puwede ring beh, bhe, bhie, bebeko, bebi ko, bebu, bebab

MHIE/DHIE - mommy or daddy

HUBS/WIFEY - husband or wife

LING - shortened version ng darling

YAM - You Are Mine

MOO - My Only One

POY - Promise Only You

LOML - Love Of My Life

TART - Sweetheart

HONEY - hun

LABS - puwede ring lablab, lovelove, my love, bebelabs

BUBBA - baba

Ayan ha! May puwede ka nang itawag sa'yong bebelabs! Kung sa tingin mo may kulang pa sa listahan, i-comment mo lang sa comment section para maidagdag natin!

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!