“Something to keep you warm 🔥⁣”

Nakuhanan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng larawan ang kamangha-manghang kaganapan ng pagbuga ng araw ng “medium-sized solar flare.”

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na nangyari ang “peak” ng pag-emit ng araw ng naturang solar flare noong Hunyo 22, 2015.

Nakuhanan daw ng Solar Dynamics Observatory ng NASA Goddard ang nasabing larawan. 

Eleksyon

Ilang araw matapos ipatupad election period, gun ban violators, pumalo na sa 85 katao

Ayon pa sa NASA, ang Solar Dynamics Observatory ang palaging nagbabantay sa galaw at mga nangyayari sa araw. 

Kaugnay nito, inimbitahan ng NASA ang publiko para sa kanilang “Heliophysics Big Year,” isa raw global celebration ng solar science, maging ang impluwensya ng araw sa Earth at sa buong solar system. 

“Join us through to December 2024, where you will have the opportunity to participate in many solar science events such as watching solar eclipses, experiencing an aurora, participating in citizen science projects, and other fun Sun-related activities,” saad ng NASA.