Nagkaroon ng ibang interpretasyon sa ibang netizens ang mensahe ni Angelica Panganiban sa kaniyang kapuwa aktres na si Glaiza De Castro.

Sa Instagram post kasi ni Angge nitong Linggo, Enero 21, ibinahagi niya ang mga larawan nila ni Glaiza bilang bahagi ng kaniyang pagbati para sa kaarawan nito.

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Pero may ibang napansin ang ilang netizens sa huling bahagi ng mensahe ni Angge. Bukod kasi sa “naka-black and white” ang isa sa mga larawan nila ni Glaiza, ginamit din niya ang terminong “Fly High”. Sey ng mga netizen, ginagamit lang daw iyon kapag may pumanaw. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hysss kinabahan ako malala gagi😢 happy birthday po bakit kasi 'FLY HIGH'"

"Yung bird kasi baardd tawag nila"

"Kaya nga diba yung ‘fly high’ sa mga pumanaw lang ginagamit🤣"

"Ganun ba? Pwede din naman po😍 parang soar high lang po😍"

"Same !! Omg 😳 kasi namataan ko sa baba sabi ‘fly high’ huhuhu 😢"

"hello. 'Fly high' can be used to convey positive wishes po 😊"

"same feel. Hahaha Kaya basahin ng buo 😂"

"Kinabahan ako… hahahah Happy Birthday, Glaiza!!! 😂🎉"

"Same haysss nagbasa ako agad ng comments"

"Bday nya lang pero parang pinatay na nya😂😂😂😂"

"Haha tapos black white pa yung unang photo"

"Hanggang ig may OA HAHAHAHAHAHA"

"soar high pwede nga mas okay kesa fly high hehehe dba"

Anyway, happy birthday Ms. Glaiza De Castro.