“Get ready to soil your plants…🌱🧟‍♀️🎮”

Nag-soft launch na sa Pilipinas ang “Plants vs. Zombies™ 3: Welcome to Zomburbia,” ang ikatlong installment ng sikat na video game na “Plants vs. Zombies,” ayon sa gaming company na Electronic Arts Inc. (EA).

Sa isang pahayag noong Huwebes, Enero 18, ibinahagi ng EA na magkakaroon ng early access sa “Plants vs. Zombies 3” ang ilang mga piling bansa tulad ng Pilipinas, United Kingdom, Netherlands, Australia, at Republic of Ireland.

“Dig into the world of Neighborville with the return of classic lane-based tower defense gameplay and a memorable cast of new and returning characters,” saad ng EA.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“PvZ3 is a story-driven, episodic experience that expands on the world of Plants vs. Zombies, calling back to the classic combat of the first game,” dagdag nito.

Imo-monitor naman daw ng game company ang feedback ng players sa mga susunod na buwan, at saka na rin ito ila-launch sa iba pang mga bansa.

Matatandaang taong 2009 nang i-release ang orihinal na "Plants vs. Zombies.” Sinundan naman ito ng “Plants vs. Zombies 2” noong 2013.