Bumagsak pa sa 12.8 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City nitong Linggo ng madaling araw.
Dakong 5:00 ng madaling araw nang maitala ng Baguio station ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang naturang temperatura.
Paliwanag ni weather specialist Daniel James Villamil, ang bagsak na temperatura sa lugar ay dulot ng northeast monsoon o amihan na nagdadala naman ng malamig na hangin mula sa Siberia.
Probinsya
Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente
Ang matinding lamig ng panahon sa Baguio at Metro Manila ay inaasahang tatagal hanggang tatlong araw.
Noong 2023, ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio na 10°C ay naitala noong Pebrero 16.
Sa rekord ng PAGASA, huling naramdaman ang pinakamatinding klima sa Baguio noong Enero 18, 1961 matapos maitala ang 6.3°C.