May tirada ang social media personality na si Rendon Labador sa aktor na si Diego Loyzaga hinggil sa akusasyon ng partner umano nito.

Usap-usapan kasi ang Instagram stories ng isang nagngangalang “Alexis Suapengco” matapos niyang isiwalat ang umano’y ginawa sa kaniya ni Diego.

Partner at baby nila, pinalayas ni Diego Loyzaga sa bahay?

Matatandaang napabalitang isa nang ganap na ama si Diego at buong pagmamalaki naman niya itong inamin at ipinakita sa publiko.

Hindi pinangalanan o tinukoy ni Diego ang pagkakakilanlan ng kaniyang partner, subalit malinaw na non-showbiz ito.

At isang araw nga ay kumalat na sa social media at pinagpiyestahan ang ilan sa Instagram stories ng sinasabing partner ni Diego na si Alexis, na nagsisiwalat na umano’y pinalayas sila ng aktor sa bahay kasama ang anak nilang si Baby Hailey, at ang dahilan daw ay dahil sa ibang bebot o babae.

“SO MY BABY DADDY @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over,” ayon sa text caption ni Alexis.

Maki-Balita: Partner at baby nila, pinalayas ni Diego Loyzaga sa bahay?

Dahil dito, may tirada si Rendon kay Diego kaugnay sa isyu.

“Pa chix chix ka pang nalalaman tapos wala ka palang pang check in? mambababae ka na nga lang nang istorbo ka pa?! Tigas ng muka mo bro,” sey niya sa comment section ng pubmat ng Balita sa Facebook page nito.

Samantala, wala pang opisyal na tugon, reaksiyon, o pahayag si Diego sa mga akusasyon sa kaniya ni Alexis. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

Kaugnay na Balita: Unbothered? Diego Loyzaga, may sagot daw sa akusasyon ng partner

https://balita.net.ph/2024/01/08/unbothered-diego-loyzaga-may-sagot-daw-sa-akusasyon-ng-partner/