Usap-usapan ang Instagram stories ng isang nagngangalang "Alexis Suapengco" matapos niyang isiwalat ang umano'y ginawa sa kaniya ng partner na si Diego Loyzaga.

Matatandaang napabalitang isa nang ganap na ama si Diego at buong pagmamalaki naman niya itong inamin at ipinakita sa publiko.

Hindi pinangalanan o tinukoy ni Diego ang pagkakakilanlan ng kaniyang partner, subalit malinaw na non-showbiz ito.

At isang araw nga ay kumalat na sa social media at pinagpiyestahan ang ilan sa Instagram stories ng sinasabing partner ni Diego na si Alexis, na nagsisiwalat na umano'y pinalayas sila ng aktor sa bahay kasama ang anak nilang si Baby Hailey, at ang dahilan daw ay dahil sa ibang bebot o babae.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

“SO MY BABY DADDY @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over," ayon sa text caption ni Alexis.

Photo courtesy: Alexis Suapengco (IG)

Ang tinutukoy na "girl" ay may pangalang "Cecile Mendoza."

Nagbanta pa umano si Diego na kapag hindi niya itinigil ang ginawang pag-iingay sa social media ay ihihinto nito ang pagbibigay ng sustento sa kanilang anak.

"@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw (may clapping hands emojis) ok boy bye,” mababasa sa text caption.

Photo courtesy: Alexis Suapengco (IG)

Photo courtesy: Alexis Suapengco (IG)

Photo courtesy: Alexis Suapengco (IG)

Matatandaang sinabi ni Diego sa panayam sa kaniya ni Toni Gonzaga sa "Toni Talks" na hindi siya naniniwala sa kasal, na inulan naman ng samu't saring reaksiyon at komento.

MAKI-BALITA: Diego Loyzaga, sinabihang ‘red flag’ dahil sa saloobin tungkol sa kasal

MAKI-BALITA: Diego Loyzaga ‘di naniniwala sa kasal: ‘It’s a piece of paper’

Ang huling confirmed na nakarelasyon ni Diego sa showbiz ay si Barbie Imperial, na nakukuwestyon naman ang ugnayan kay Richard Gutierrez matapos silang maispatang magkasama sa isang gastropub sa Alabang, Muntinlupa.

MAKI-BALITA: Anong meron? Richard at Barbie, naispatang magkasama sa Alabang

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Diego sa mga akusasyon sa kaniya ni Alexis. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.