Isasailalim ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang lahat ng DOH hospital sa National Capital Region (NCR) simula sa Enero 5, 2024, Biyernes, hanggang Enero 11, 2024, bilang paghahanda sa Traslacion 2024, o Pista ng Itim na Nazareno na idaraos sa Enero 9, 2024.

Ayon sa DOH, ang Code White Alert ay idinideklara sa mga national events, holidays, o mga pagdiriwang na maaaring magdulot ng mass casualty incidents o emergencies.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa panahon ng Code White Alert, ang mga tukoy na medical personnel at staff ay nakaantabay para sa agarang pagtanggap at pagkakaloob ng lunas sa mga pasyenteng dadalhin sa mga pagamutan.

Bilang bahagi naman ng preparedness strategy, walong health emergency response teams, na bawat isa ay mayroong mga ambulansiya, ang istratehikong ide-deploy sa mga ruta ng Traslacion upang magkaloob ng emergency medical services sa libu-libong deboto na inaasahang lalahok sa taunang relihiyosong aktibidad.

Ang mga naturang team ay ilalagay sa mga key locations, kabilang na ang Quirino Grandstand, Roxas Boulevard kanto ng Ayala (National Museum & Fine Arts), Ayala Boulevard kanto ng Taft Avenue (PNU), Ayala Boulevard kanto ng San Marcelino, San Sebastian Church na may Reachout, Villarica, Quezon Boulevard, Quinta Market, at Paterno, Quezon Boulevard.

“This strategic deployment aims to ensure prompt and efficient emergency medical assistance, covering significant segments and quadrants to enhance the safety and well-being of all participants throughout the event,” anang DOH.

Mahigpit ding hinihikayat ng DOH ang publiko na obserbahan ang kaukulang pag-iingat at mga safety measures sa panahon ng selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno; magsuot ng face mask at tiyakin ang maayos na airflow; ikonsidera ang paglahok na lamang mula sa mga tahanan dahil ang naturang okasyon ay inaasahang darayuhin ng maraming deboto na mayroong panganib sa kalusugan.

Payo pa ng DOH, iwasan ang paghawak at paghalik sa imahe at mga estatwa dahil maaaring magdulot ito ng hawahan ng mga communicable diseases; uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration; at iwasan ang matagal na pagkakabilad sa init upang maiwasan ang panganib ng heat stroke.

“As we celebrate this significant gathering for the annual feast of the Black Nazarene, our priority is the health and safety of all Filipinos. The activation of Code White Alert and deployment of health emergency response teams underscore our commitment to ensure prompt and efficient medical assistance in case of any medical emergency on the ground. Let us join hands in safeguarding the well-being of our fellow Filipinos during this cherished cultural event, dahil Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay ay Mahalaga,” ayon pa kay Health Secretary Teodoro J. Herbosa.