Ipinadedeport na umano ang American actor at dating partner ni Pokwang na si Lee O'Brian, ayon sa lumabas na artikulo patungkol sa mga abogado at kaso.

Ibinahagi ang artikulo ni Atty. Ralph Calinisan, ang tumatayong legal counsel ni Pokwang.

"The Bureau of Immigration has ordered the deportation of actor Lee O’Brian, the former partner of actress Pokwang, for violating the terms and conditions of his stay in the country by working in movie and TV projects," saad sa caption ng artikulo mula sa Abogado PH.

"Isang tagumpay para sa Pilipino at sa kababaihan. Mabuhay po, Mamang @pokwang27. ❤️ Happy to be of service to you," ani Atty. Calinisan.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

"Justice served" naman daw ito para kay Pokwang na niretweet din ang artikulo.

https://twitter.com/pokwang27/status/1738401904483594488

"Thank you atty @ralph_calinisan yes!!!!!" anang Pokwang.

https://twitter.com/pokwang27/status/1738402801087332434

Matatandaang naghain ng deportation case si Pokwang laban sa dating partner at ama ng kaniyang anak na si Malia, bandang Hunyo ng taon.

MAKI-BALITA: ‘Undesirable alien!’ Pokwang nanindigang kailangang ipa-deport si Lee O’Brian

MAKI-BALITA: Lee O’Brian, nilinaw na may respeto pa rin kay Pokwang, mahal na mahal ang anak

MAKI-BALITA: ‘Sikat at influential daw ang complainant!’ O’Brian may panawagan sa BI