
(Manila Bulletin File Photo)
Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!
Hindi pa rin napanalunan ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw na mahigit ₱206.1 milyon nitong Biyernes ng gabi.
Binanggit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa 6 digits na winning combination na 34-38-20-43-15-28.
Dahil dito, inaasahang madagdagan ang nasabing premyo sa susunod na draw nito.
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.