
(Manila Bulletin File Photo)
Maagang pamasko! ₱16.6M jackpot sa lotto, kukubrahin ng solo winner
Mahigit sa ₱16.6 milyong jackpot ang kukubrahin ng isang mananaya makaraang manalo sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado.
Katulad ng inaasahan, wala pa munang ibinigay na impormasyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaugnay ng pagkakakilanlan ng solo winner na nakahula sa winning combination na 25-12-02-15-26-01.
Hindi pa rin inanunsyo ng PCSO kung saan nabili ang winning ticket.
Ang Lotto 6/42 draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Huwebes at Sabado.