Si Anna Mae Yu Lamentillo, ipinanganak noong 7 Pebrero 1991, ay isang opisyal ng gobyerno, kolumnista, at may-akda na nagsilbi bilang Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations ng Department of Information and Communications Technology (DICT) mula noong Nobyembre 2022. Bago ito, siya ay Assistant Secretary ng Departamento.[1]

Si Lamentillo ang tagapangulo ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH)[2] at ng Infrastructure Cluster Communications Committee noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.[3]

Mula 2013-2015, bago siya naging lingkod bayan, nagtrabaho siya bilang communications consultant ng United Nations Development Programme (UNDP) at Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) sa panahon ng kanilang Haiyan Emergency Response and Rehabilitation Program.[4]

Si Lamentillo ay may bachelor's degree sa Development Communications mula sa University of the Philippines-Los Banos (UPLB) kung saan siya nagtapos ng cum laude at binigyan ng isang pagkilala, ang Faculty Medal for Academic Excellence, para sa pagkuha ng pinakamataas na General Weighted Average para sa Development Journalism Majors ng kanyang batch. Mayroon din siyang Juris Doctor degree mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Siya ay isang opisyal ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) na may ranggong Auxiliary Commodore (one-star general)[5], isang reservist sa Philippine Army Reserve Force na may ranggong First Lieutenant[6], at isang adopted member ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2006, Bagsay Lahi. Bahagi rin siya ng Presidential Security Group (PSG) matapos makumpleto ang VIP Protection Executive Training (VIPPET) nito noong 2023.[7]

Si Lamentillo ay mayroong bi-weekly column sa Op-Ed section ng Manila Bulletin[8] and Balita[9].

Talambuhay

Isinilang si Lamentillo noong 7 Pebrero 1991 sa mga magulang na Ilonggo—sina Manuel Lamentillo at Elnora Yu. Siya ay isang student leader noong siya ay nasa kolehiyo sa UPLB. Bahagi siya ng university student council kung saan sinuportahan niya ang mga organisasyon ng kultura at sining sa unibersidad at nagkaroon ng mga adbokasiya sa kapaligiran at kulturang popular.

Nagdisenyo siya ng isang programang pangkapaligiran, ECO-rev: A Three-pronged Approach to Environmental Conservation, na naglalayong harapin ang problema ng pagkasira ng kapaligiran sa pamamagitan ng paglalahad ng kahalagahan ng konserbasyon at napapanatiling pamamahala gamit ang isang wika na mauunawaan ng mga kabataan: kulturang popular o mainstream media. Sa pamamagitan ng proyektong ito ay hinirang si Lamentillo bilang isa sa 12 Bayer Young Environmental Envoys (BYEE), isang programang pangkalikasan na inorganisa sa pakikipagtulungan ng United Nations Environment Programme (UNEP).

Si Lamentillo ang nagtatag ng Sigma Theta Delta, isang socio-civic organization sa UPLB na nakatutok sa Filipino empowerment. Isa sa mga proyekto ng organisasyon ay ang Kilatisin si Juan, na naglalayong paigtingin ang nasyonalismo ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga inspirational talks mula sa mga matagumpay na indibiduwal sa iba’t ibang propesyon, tulad ng serbisyo publiko, pamamahayag, sining at musika, na ang trabaho at tagumpay ay nagpapakita ng malalim na kahulugan ng pagmamahal sa bansa.

​Isa siya sa 2012 The Outstanding Students of the Philippines (TOSP) – Calabarzon na kinilala sa kanilang serbisyo sa kanilang mga paaralan at komunidad sa kabila ng mga responsibilidad nila bilang mga estudyante.

Noong 2011, nagtapos siya sa UPLB bilang cum laude at tumanggap ng Faculty Medal for Academic Excellence para sa pagkuha ng pinakamataas na General Weighted Average sa mga nagtapos ng Development Journalism ng kanyang batch. Nag-aral siya ng abogasiya habang nagtatrabaho. Natanggap niya ang kaniyang Juris Doctor degree mula sa UP Diliman College of Law noong 2020. Sa pagitan ng law school at pagtatrabaho sa DPWH, natapos niya ang kanyang Executive Education in Economic Development sa Harvard Kennedy School noong 2018. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy siya sa pag-aaral ng Executive MsC in Cities program sa London School of Economics.

Karera

Nagsimula si Lamentillo bilang isang reporter sa edad na 18 habang tinatapos pa ang kaniyang bachelor’s degree. Bilang bahagi ng GMA-7 News and Public Affairs, naatasan siyang magkalap ng mga balita para sa buong Rehiyon IV-Laguna.

Noong 2012, naging bahagi siya ng mga kawani ng Senado ni Senador Loren Legarda bilang legislative and communications staff bago niya tinanggap ang pagkakataong maging bahagi ng United Nations sa pamamagitan ng UNDP at FAO.

Naging bahagi siya ng UNDP at FAO sa panahon ng pagpapatupad nito ng Haiyan Emergency Response and Rehabilitation Program. Nagpunta siya sa mga komunidad na benepisyaryo ng UN upang maunawaan ang kanilang mga pakikibaka at kung paano nasuportahan ng tulong ng Ahensya ang kanilang pagbangon. Idinukomento ni Lamentillo ang mga kuwento ng mga nakaligtas sa Haiyan, tulad ng kuwento ni Margarette Sosing, na ang pagmamahal sa football ay nagbigay sa kanya ng lakas upang makabangon muli; at ni Trinidad Bato-balono, na tumulong na muling itayo ang tahanan ng kaniyang pamilya at ang kanilang bayan sa Santa Fe sa pamamagitan ng Cash-for-Work Program ng UNDP.

Noong 2015, naging bahagi siya ng mga kawani sa Kongreso ni noo’y Las Pinas Representative Mark Villar bilang legislative and communications chief. Sumama siya kay Villar nang ang huli ay hinirang na Kalihim ng DPWH.

Build, Build, Build

Si Lamentillo ay nagsilbing chief-of-staff ni Villar sa DPWH, at nang mabuo ang Build, Build, Build Committee, siya ang naging tagapangulo nito na may responsibilidad na tiyakin ang maayos na koordinasyon sa mga ahensiyang kasama sa programa.[3]

Tiniyak niya ang maayos na pagpapatupad ng mga repormang ipinakilala ng Kalihim, gaya ng pagsugpo sa mga ghost project, pagkaantala sa pagpapatupad, at mga isyu sa right-of-way (ROW). Kabilang dito ang paggamit ng drone at satellite technology sa pagsubaybay sa mga proyekto ng DPWH para maalis ang mga ghost project sa pamamagitan ng geotagging system, ang Infra-Track App, na naglalagay ng mga larawang isinumite sa sistema para sa pagsubaybay sa eksaktong geographic coordinate kung saan sila kinuha.

Nakumpleto ng DPWH ang kabuuang 29,264 kilometrong kalsada, 5,950 na mga tulay, 11,340 na mga estrukturang pangontrol sa baha, 222 na evacuation centers, 150,149 na mga silid-aralan, 133 Tatag ng Imprastraktura Para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) projects, at 173 na COVID-19 facilities sa ilalim ng programang Build, Build, Build sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Duterte, partikular sa pagitan ng 2016 at 2021. Ibinigay ni Lamentillo ang papuri sa 6.5 milyong Pilipino—mga trabahador, inhinyero, arkitekto, at empleyado ng gobyerno—na nagtrabaho sa mga proyektong ito.

Noong Agosto 2022, kinuha siya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. bilang Assistant Secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Pagkalipas ng dalawang buwan, itinalaga siya bilang Undersecretary ng Departamento. Pinangasiwaan niya ang mga estratehikong komunikasyon at media ng Departamento. Pinangasiwaan din niya ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa, at pakikipag-

ugnayan sa mga mambabatas upang matiyak ang pagsasabatas ng mga panukala na susuportahan ang mga pagsisikap ng pamahalaan sa digitalisasyon. Siya ang namahala sa public-private partnership, at foreign-assisted projects, at siya rin ang tagapagsalita at focal person ng Departamento para sa mga direktiba ng pangulo at gabinete.

Upang palakasin ang pakikipagtulungan sa ibang mga bansa sa larangan ng digitalisasyon, nakipagpulong si Lamentillo sa mga resident ambassador at dayuhang dignitaryo mula sa Singapore, Japan, China, at US, gayundin sa Spain, United Kingdom, Denmark, Ireland, Belgium, Malaysia, bukod sa iba pa.

Noong Pebrero 2023, ginampanan ng Pilipinas ang tungkulin nito bilang Tagapangulo para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Digital Senior Officials Meeting (ADGSOM) at Digital Ministers Meeting (ADGMIN) at dahil dito, pinangunahan ng DICT ang Ikatlong ADGSOM at ADGMIN na ginanap sa Isla ng Boracay kasama si Lamentillo bilang Head of Delegation (HOD) para sa Pilipinas.

Noong Marso 2023, kabilang siya sa mga babaeng pinuno sa gobyerno na kumatawan sa Pilipinas sa 67th Session ng Commission on the Status of Women (CSW67) sa United Nations Headquarters sa New York, USA. Isinulong niya ang digital inclusion at pagkakapantay-pantay ng kasarian habang nakikibahagi sa mga talakayan sa mga kapuwa miyembrong-estado ng UN at iba pang mga kabahagi sa pag-unlad. Ibinahagi niya ang mga pagsisikap ng Pamahalaan ng Pilipinas, partikular na ang DICT, sa pagtulay sa digital gender gap.

Komunikasyon bilang bahagi ng serbisyo publiko

Ang komunikasyon ay isang mahalagang bahagi ng karera ni Lamentillo kahit bilang isang lingkod-bayan. Nagsilbi siyang tagapagsalita ng DPWH.

Sa kanyang panunungkulan bilang DICT Undersecretary, itinalaga rin siya bilang tagapagsalita ng Kagawaran. Kaagad siyang tumutugon sa mga katanungan ng media at tumatanggap ng mga

panayam hangga’t kaya niya. Nanguna siya sa dalawang magkasunod na survey ng mga tagapagsalita ng ahensya ng gobyerno na isinagawa ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Nakatanggap siya ng 88% performance rating sa survey ng RPMD noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2, 2022; at 89% sa survey nitong Pebrero 25 hanggang Marso 8, 2023.

Mula noong 2015, pinananatili ni Lamentillo ang isang column sa Opinion-Editorial section ng Manila Bulletin kung saan tinatalakay niya ang mga kasalukuyang isyu, naglalahad ng malalim na pagsusuri sa iba’t ibang usapin sa pulitika at isyung sosyo-ekonomiko, at nagtatampok ng mga personalidad na ang mga kuwento ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa iba. Isa rin siyang kolumnista ng Balita, People Asia, at Esquire magazine.

Noong 2021, inilabas niya ang unang aklat na kaniyang isinulat, ang Night Owl: A Nationbuilder’s Manual, na kapangalan ng kanyang Manila Bulletin column. Sa aklat, inilahad niya ang mga tagumpay at iba’t ibang detalye ng Build, Build, Build program, tinalakay ang mga hamon na napagtagumpayan para magawa ang mas maraming proyektong pang-imprastraktura, pati na rin ang kaniyang mga personal na karanasan habang nagtatrabaho para sa programa.

Opisyal na inilunsad ng nasabing libro noong 2023 sa presensya ng dalawang dating pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal-Arroyo. Mula noon ay isinalin na ang aklat sa Tagalog, Bisaya, Ilokano at Hiligaynon.

Mga parangal at pagkilala

  • 2011 Bayer Young Environmental Envoy (BYEE) from UNEP and Bayer
  • 2012 UPLB Natatanging Iskolar Para sa Bayan and Oblation Statute for the Virtues of Industry and Magnanimity
  • 2018 Bluprint ASEAN Mover and Shaker
  • 2019 Bluprint Under 38 Future Shaper
  • 2019 Veritas Medal from the Harvard Kennedy School Alumni Association
  • 2019 Lifestyle Asia: 18 Game Changers Game Changers
  • People Asia’s Women of Style and Substance 2019
  • Rising Tigers Magazine’s People to Watch 2023
  • Notable Female Government Leader of the Year from Asia’s Modern Hero Awards 2023

Organizational affiliations

  • Auxiliary Commodore, Philippine Coast Guard Auxiliary (2023)
  • First Lieutenant, Philippine Army Reserve Force (2021)
  • Adopted Member, Philippine National Police Academy Alumni Association Class of 2006, Bagsay Lahi (2021)
  • Member, International Visitor Leadership Program Alumni Association (2018)
  • Member, US - ASEAN Women Leaders Academy Alumni Association (2018)
  • Member, Young Southeast Asian Leaders Initiative (2018)
  • Member, Ten Outstanding Students of the Philippines Alumni Association (2012)
  • Member, Gamma Sigma Delta - The Honor Society of Agriculture (2012)
  • Founder, Sigma Theta Delta – UPLB (2009)