Nagpositibo sa Covid-19 si Pangulong Bongbong Marcos Jr., ayon sa Presidential Communications Office nitong Martes, Disyembre 5.

Sa pahayag ng PCO, isasailalim si PBBM sa isolation sa loob ng limang araw. Gayunman, patuloy pa ring gagampanan ng pangulo ang kaniyang tungkulin sa pamamagitan ng teleconference.

VP Sara kay PBBM: ‘Hindi ang pagbibigay ng amnestiya ang daan sa kapayapaan’

“The President remains fit to carry out his duties and will be continuing his scheduled meetings via teleconference. Updates on his health will be provided as available,” anang PCO.

Hinihikayat din umano ng pangulo ang publiko na mag-ingat ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“During this holiday season, President Marcos encourages the public to take precautions to safeguard their health, such as vaccinating and voluntary mask-wearing when entering crowded places,” dagdag pa ng PCO.

Kaugnay na Balita: VP Sara kay PBBM: ‘Hindi ang pagbibigay ng amnestiya ang daan sa kapayapaan’