Nagbigay ng pahayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay sa nangyaring pambobomba sa loob ng Mindanao State University (MSU) nitong Linggo, Disyembre 3.

Ayon sa ulat, bandang 7:00 ng umaga nang mangyari ang pambobomba sa Dimaporo Gymnasium ng MSU habang nagmimisa ang mga estudyante at iba pang faculty members.

Tatlo ang naitalang nasawi sa nangyaring pagsabog habang 50 naman ang sugatan (at maaaring madagdagan pa).

Kaya naman, mariing kinondena ng pangulo ang “senseless” at “most heinous acts” na ito sa MSU at komunidad ng Marawi na pakana umano ng “foreign terrorists”.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Extremists who wield violence against the innocent will always be regarded as enemies to our society,” saad ng Pangulo.

“I extend my most heartfelt condolences to the victims, their loved ones, and the communities that have been the target of this latest assault on peace,” aniya.

Nakipagtulungan na umano ang palasyo sa regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa Local Government Units kaugnay sa bagay na ito kaya naman nagpasalamat siya sa mabilis na pagtulong ng mga ito sa mga biktima.

Nagbigay na rin ang pangulo ng atas sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para masiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan sa mga apektadong komunidad.

Dagdag pa niya: “As reports come in throughout the day, I enjoin all of us to remain calm, circumspect, and conscientious in our collective efforts to ensure that the horrific events of this morning are not further compounded by inaccurate, unvetted, and unofficial information.”

https://twitter.com/bongbongmarcos/status/1731160831411486745

Sa huli, tiniyak ng pangulo na mananagot ang sinomang nasa likod ng kahindik-hindik na pag-atakeng ito

Umapela rin siya sa publiko na isama sa panalangin ang mga taong naapektuhan ng nasabing insidente.