Halos 800 residente ng Metro Manila ang tumanggap ng ₱8.5 milyong financial at livelihood assistance kasabay na rin ng ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Biyernes.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), ₱3.05 milyon ang inilaan sa suweldo ng 500 Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) emergency employment workers sa National Capital Region (NCR).

Nasa ₱1.098 milyon naman ang inilaan sa sahod ng 150 Government Internship Program interns na nakatalaga sa iba't ibang ahensya habang ₱3.69 milyon naman ay para sa 123 benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Kaugnay nito, walo pang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon ang nabigyan ng ₱240,000 cash aid habang umabot naman sa ₱450,000 halaga ng livelihood packages ang ipinagkaloob ng pamahalaan sa 15 preso.

PNA