Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • May 09, 2025

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    PH, Australia joint patrols sa WPS, 'di nakatuon laban sa anumang bansa -- DFA

    PH, Australia joint patrols sa WPS, 'di nakatuon laban sa anumang bansa -- DFA

    By
    Balita Online
    December 01, 2023
    In
    BALITA National
    PH, Australia joint patrols sa WPS, 'di nakatuon laban sa anumang bansa -- DFA
    (Philippine Navy/FB)

    PH, Australia joint patrols sa WPS, 'di nakatuon laban sa anumang bansa -- DFA

    By Balita Online
    December 01, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Hindi nakatuon sa anumang bansa ang isinagawang joint maritime patrols sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas at Australia sa West Philippine Sea (WPS).

    Ito ang paglilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza sa Chinese government nitong Biyernes.

    Layunin lamang aniya ng pagsasanay na mapalawak ang "interoperability" ng dalawang bansa alinsunod na rin sa kanilang defense cooperation.

    “The Philippines and Australia are strategic partners and we have a status of visiting forces agreement. The combined maritime activity is nothing new. It is a regular joint exercise to enhance the interoperability of Philippine and Australian military forces, consistent with our long-standing defense cooperation,” pahayag ni Daza bilang tugon sa naging pahayag ng Chinese Ministry of National Defense.

    “The Philippines’ defense cooperation activities with Australia are not targeted against any country," anang opisyal.

    Matatandaang inilunsad ng Armed Forces of the Philippines at Australian Defence Force ang maritime activity sa exclusive economic zone ng Pilipinas nitong Nobyembre 25-27.

    Sa naturang joint patrol, inikutan ng dalawang Chinese fighter jet ang eroplano ng Philippine Air Force habang nagpapatrolya sa WPS.

    PNA

    Inirerekomendang balita

    PBBM party-list, tuluyan nang diniskwalipika ng Comelec

    PBBM party-list, tuluyan nang diniskwalipika ng Comelec

    Pinagtibay ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon nitong idiskuwalipika ang rehistrasyon ng Pilipinas Babangon Muli (PBBM) party-list para sa 2025 midterm elections dahil sa umano’y usapin ng “misrepresentation.” Base sa inilabas na resolusyon ng Comelec nitong Miyerkules, Mayo 7, ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ng PBBM party-list dahil sa hindi raw nito...

    Bam Aquino, Bong Go ibinahagi pag-endorso sa kanila ng JIL Church

    Bam Aquino, Bong Go ibinahagi pag-endorso sa kanila ng JIL Church

    Nagpahayag ng pasasalamat sina senatorial candidates Bam Aquino at Bong Go sa pag-endorso raw sa kanila ng Jesus is Lord (JIL) church para sa nalalapit na 2025 midterm elections.Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Mayo 7, nagpasalamat si Aquino sa JIL, founder nitong si CIBAC party-list Rep. Brother Eddie Villanueva, at Senador Joel Villanueva sa pagsuporta ng simbahan sa kaniyang...

    PBBM, hinikayat OFWs na bumoto: ‘Makilahok sa kinabukasan ng ating bayan’

    PBBM, hinikayat OFWs na bumoto: ‘Makilahok sa kinabukasan ng ating bayan’

    Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang overseas Filipino workers (OFWs) na bumoto at makiisa sa 2025 midterm elections.Sa isang video message nitong Huwebes, Mayo 8, sinabi ni Marcos na nagpapatuloy pa rin ang overseas voting na nagsimula na noong Abril 13, 2025.'Ito po ang inyong pagkakataon na makilahok sa kinabukasan ng ating bayan. Ngayon, mas madali na ang...

    Features

    FEATURES

    1

    BALITAnaw: Gaano katagal ang naging Papal Conclave sa mga nakaraang taon?

    May 08, 2025

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

    May 07, 2025

    FEATURES

    3

    Reklamo ng isang ina sa guro: tinali na, tinapalan pa ng tape bibig ng anak niya?

    May 07, 2025

    FEATURES

    4

    Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

    May 06, 2025

    FEATURES

    5

    ALAMIN: Bakit nga ba hinihingi ng mga kandidato ang suporta ng INC tuwing eleksyon?

    May 06, 2025

    FEATURES

    6

    Unang eroplano lumapag sa bagong gawang paliparan ng Camotes

    May 06, 2025

    FEATURES

    7

    ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

    May 05, 2025

    FEATURES

    8

    Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

    May 04, 2025

    Opinyon

    Anna Mae Lamentillo Kailangan mong bumoto Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Ang mga tagamasid ng halalan ang nagliligtas sa demokrasya—bakit kailangan pa natin ng mas marami sa kanila Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto Anna Mae Lamentillo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita