Nasa 172 sasakyan ang hinuli at hinatak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes dahil sa illegal na pagparada at nakahambalang pa ang mga ito sa Mabuhay Lanes sa Metro Manila.

Paliwanag ni MMDA Assistant General Manager for Operations, Assistant Secretary David Angelo Vargas, bahagi ng operasyon ang 108 miyembro ng strike force upang matiyak na walang sagabal sa mga nasabing alternatibong ruta.

“To ensure that all roads covered by Mabuhay Lanes are passable, we are advising other motorists to avoid parking on sidewalks and roads so we can avoid traffic congestion and keep all roadways free from obstruction, as this serves as an alternate route for EDSA (Epifanio de los Santos Avenue),” anang opisyal.

Eleksyon

Bam Aquino, Bong Go ibinahagi pag-endorso sa kanila ng JIL Church

Ang mga nahuli ay maaaring magbayad ng ticket sa pamamagitan ng ticketing system.

 

PNA