Nakakulong na ngayon ang isang opisyal ng New People's Army (NPA) makaraang madakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Sa report ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Maj. Gen. Romeo Caramat, Jr. nitong Biyernes, nakilala ang rebelde na si Jennifer Zamora Abad, alyas "Josephine Abad" at "Peping" na inaresto sa NAIA-Terminal 1 sa Parañaque City nitong Nobyembre 29.

Pagdedepensa naman ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, PNP Aviation Security Group at Philippine Army, hawak nila ang warrant of arrest na ipinalabas ng Lianga, Surigao del Sur Regional Trial Court noong Nobyembre 21, 2019, laban kay Abad sa kasong murder.

Internasyonal

Habemus Papam: Simbahang Katolika, may bago nang Santo papa

Paalis na sana sa bansa ang akusado patungong Qatar nang dakpin matiyempuhan ng mga awtoridad sa airport.

Ang akusado ay nakatakdang dalhin sa Surigao del Sur upang harapin ang kaso nito.

 

PNA