Posibleng hindi makasama sa unang grupong palalayain ang dalawang Pinoy na dinukot ng teroristang Hamas sa Israel nitong Oktubre 7.

Ito ang reaksyon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega kasunod na rin ng truce o pansamantalang pagtigil ng giyera sa pagitan ng Israeli forces at Hamas nitong Biyernes.

Sa paunang pag-uusap ng magkabilang-panig, unang palalayain ang mga bata at babaeng hostage.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“[T]he two missing Filipinos, they are still missing, we’re assuming they are hostages. Among the hostages, we don’t expect that they’ll be among the first batch," pahayag ni De Vega sa panayam nitong Biyernes.

“But Israel knows that we will be very pleased if they will give priority also to our nationals,” dagdag ng opisyal.

Nasa 13 sibilyan ang unang grupong pakakawalan ng Hamas at inaasahang aabot sa 50 ang kabuuan nito sa loob ng apat na araw na tigi-giyera.

Kaugnay nito, nasa 26 pang Pinoy ang nananatili sa Gaza, kabilang ang isang madre.

 

PNA