‘PLUTO UP CLOSE’

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang malapitang larawan ng dwarf planet na Pluto.

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na nakuhanan ng spacecraft na New Horizons ang naturang larawan ng nasabing dwarf planet.

“The first spacecraft to study Pluto up close – New Horizons – captured this image in blue, red, and infrared colors to help scientists distinguish Pluto's complex geological and climatological story,” saad ng NASA sa nasabing post.

‘Habitat for life?' NASA, napitikan ‘icy moon’ ng Saturn na 'Enceladus'

Ayon sa NASA, ni-launch ang New Horizons noong 2006 at dumating sa system ng Pluto noong 2015.

Una umano itong kumuha ng mga larawan ng Pluto at mga buwan nito bago tumungo pa sa Kuiper Belt upang pag-aralan ang pagsisimula ng solar system.

“Evidence from New Horizons suggests that Pluto's surface, marked with craters, mountains, plains, and valleys, is being reshaped due to tectonic forces,” anang NASA.

“Mountains on Pluto can reach as high as 6,500 to 9,800 ft (2-3 km), made of water ice and a thin sheen of frozen gasses,” saad pa nito. ⁣

Matatandaan namang kamakailan lamang ay nagbahagi rin ang NASA ng larawan ng isa sa mga “icy moon” ng planetang Saturn na “Enceladus,” na posible umanong maging “habitat for life.”