Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme dahil sa ikinasang transport strike sa Nobyembre 20, ayon sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo.

Sinabi ng MMDA, asahan na ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Lunes dahil sa suspensyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP).

Papayagan na munang bumiyahe ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa "1" at "2" na nasabing araw.

Isa lamang ito sa hakbang MMDA kasunod ng tigil-pasada ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa Nobyembre 20 hanggang Nobyembre 22.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nauna nang ipinaliwanag ng transport group na tugon nila ito sa nalalapit na December 31 deadline ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa paghahain ng franchise consolidation applications kaugnay ng isinusulong na public utility vehicle modernization project ng pamahalaan.