Nagsimula na nitong Lunes, Nobyembre 13, ang bagong oras ng operasyon ng mga shopping mall sa Metro Manila.

Binanggit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), iniiwasan lamang nila ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa National Capital Region, lalo na sa EDSA ngayong Christmas season.

Paliwanag ng MMDA, ang mga shopping mall ay magbubukas na mula 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi.

Ang paghahatid ng mga produkto ay papayagan lamang mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw, bukod na lamang sa mga perishable goods o napapanis o nasisirang pagkain.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Tuwing weekends lamang din papayagan ang mga mallwide sale, ayon sa ahensya.

Ipatutupad ang mall adjusted hours hanggang Enero 8, 2024.