Isang taga-Nueva Vizcaya ang mag-uuwi ng mahigit sa ₱102.2 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado ng gabi, ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo.

Sa anunsyo ng PCSO, nahulaan ng jackpot winner ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 07-34-11-26-05-06 na may katumbas na premyong ₱102,254,379.40.

Nabili ng nasabing mananaya ang kanyang lucky ticket sa isang lotto outlet sa Bayombong, sa Nueva Vizcaya.

National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

Babawasan ng 20 porsyentong buwis ang naturang premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN)  Law.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.