Sinibak sa puwesto ang isang opisyal ng Las Piñas City Police dahil umano sa pananakit sa mga police trainee kamakailan.

Ipinaliwanag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., isinagawa nito ang pagsibak kay  Maj. Knowme Sia, hepe ng Administrative Resources Management Section (ARMS) ng Las Piñas City Police Station, habang ito ay iniimbestigahan kaugnay ng reklamong administratibo.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“Na relieve na (siya) at nasa (Administrative) Holding Section of the Las Piñas City Police Station. Pinaiimbestigahan at sasampahan ng administrative at criminal case,” pahayag naman ni NCRPO spokesperson Lt. Col. Eunice Salas.

Posible aniyang maharap si Sia sa kasong grave misconduct at physical injuries.

Sa report ng pulisya, inatasan ni Sia ang mga police trainee na mag-report sa headquarters ng kanilang istasyon sa Oktubre 29, dakong 8:00 ng umaga para sa administrative announcements at accounting dahil naka-full alert status ang kanilang hanay para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections.

Gayunman, nabigong mag-report ang mga police trainee sa takdang oras kaya't inatasan silang magtungo sa Community Affairs Office ng presinto kung saan sila pinarusahan.

Kumuha umano ng pamatpat si Sia at pinagpapalo ang mga trainee.

PNA