Isang magnitude 4.5 na lindol ang tumama sa Surigao del Norte nitong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:51 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 150 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 15 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.