Nagbigay ng mensahe si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa kabataang kumakandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“Sa mga kapwa kabataang tumatakbo sa Barangay and SK Elections, pamunuan natin ang aksyon para sa basic common needs ng komunidad,” ani Manuel sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Oktubre 24.

“Labanan natin ang katiwalian at maruming pulitika.”

“Sa lahat ng antas ng gobyerno, maging boses tayong kabataan para sa mabuting pamamahala! 😃✊,” saad pa niya.

PBBM, idineklarang special non-working day ang Oct 30 para sa BSKE

Nakatakdang maganap ang BSKE sa darating na Oktubre 30, 2023, kung saan idineklara ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang special non-working holiday.