In fairness bongga ang naganap na "Sparkle Spell 2023" ng GMA Network at Sparkle GMA Artist Center, ang kanilang costume parade-party na dinaluhan ng Kapuso stars, Sparkle artists, at social media influencers.

Agaw-eksena ang karamihan sa kanila, lalo na ang mga pinakasikat na Sparkle artists gaya na lamang nina Sanya Lopez, Kyline Alcantara, at marami pang iba.

Usap-usapan pa nga ang pagkakapareho nina David Licauco at Jak Roberto sa kanila

Hindi rin nagpakabog ang social media influencer na si Sassa Gurl na mala-bulaklak o korona ng patay sa lamayan ang peg. Isa siya sa mga kinilala bilang "Sparkle Star of the Night" kasama sina Barbie Forteza, Liezel Lopez, Martin Del Rosario, Joaquin Domagoso, Jillian Ward, Ken Chan, at Voltes V Team cast members.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Pero kung effort at effort lang din naman ang pag-uusapan, panalo ang pagdating ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio dahil sa kaniyang Spartan warrior-look, at take note, nakasakay pa siya ng kabayo!

Si Achilles daw ang peg ni Derrick mula sa pelikulang "Troy" na hango naman sa Greek mythology.

Buking pa ni Derrick, last minute pa raw ang pagpapa-book niya sa kabayo dahil nagandahan siya sa costume nito. Buti na lamang daw at pinayagan siyang dalhin at sumakay rito.

Nagbunga naman ang kaniyang effort dahil siya ang pinarangalan bilang "Black Carpet Stunner."

Kung napanganga ang mga netizen kay Derrick at sa iba pa, tila dismayado naman ang marami kay Kapuso star Alden Richards dahil nakasuot lamang ito ng kaswal na kasuotan, mula sa kaniyang karakter na "Lance" sa pelikulang "Five Breakups and a Romance."

Nakasimpleng shirt at maong pants lang kasi ito at may hawak na pulumpon ng mga bulaklak.

Sana man lang daw ay nag-effort si Alden kahit paano, though gets naman daw ng mga tao na siguro, "nakakatakot" daw kasi ang mga gaya ni Lance batay sa kuwento ng pelikula.

Ngunit sa panayam ng PEP kay Alden, ni-reveal niya na simpleng-simple man ang costume niya, malalim naman daw ang kahulugan nito.

Ipinaliwanag din niya kung bakit nakasuot ng "Godzilla shirt" ang karakter ni Lance sa pelikula.

"So, parang hindi pa kasi nare-reveal kung bakit talaga Godzilla yung logo sa T-shirt ni Lance. So ngayon ko siya i-reveal. Alam naman natin na si Godzilla is a wrecker of cities, di ba?"

"So kaya suot ni Lance 'yon, ang analogy no'n is parang siya 'yong sisira sa buhay ni Justine (Julia Montes). Pero siya nga ba?"

"And ano pa bang mas malaking horror sa buhay natin kundi masira ang ating buhay? So this is a very deep costume pero simpleng-simple," depensa ng aktor.