₱64.5M ayuda, ipinamahagi sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Mayon
Nasa ₱64.5 milyong ayuda ang ipinamahagi sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
Ito ang isinapubliko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-5 (Bicol) nitong Lunes at sinabing aabot sa 5,200 pamilya ang nakinabang sa nasabing financial assistance.
Ang pamamahagi ng tulong ay alinsunod na rin sa Emergency Cash Transfer (ECT) program ng ahensya.
"The ₱64.5 million worth of ECT will support the needs of the 5,239 affected families to rebuild their lives. They are from the local government units of Ligao City, Guinobatan, Daraga, Camalig, Tabaco City, Santo Domingo and Malilipot. The families received the aid from Oct. 13-15. Each family received ₱12,330 as second tranche of the ECT program," ayon sa Facebook post ng DSWD.
Matatandaang isinailalim ng pamahalaan sa permanent danger zone (PDZ) ang anim na kilometro mula sa gitna ng bulkan dahil sa na rin sa nakaambang pagputok nito.
PNA