Agad na pumalag ang toy collector at dating Streetboys member na si Yexel Sebastian sa "fake news" na nagsasabing scammer sila ng asawang si Mikee Agustin, at nagtungo sila sa Japan upang tumakas.

Matatandaang kamakailan lamang ay napabalita ang pagtungo nila sa bansang Japan, kahit na may isyung ipinupukol sa kanila kaugnay sa ₱200-M investment scam.

MAKI-BALITA: Yexel Sebastian wala pang statement sa mga akusasyon laban sa kanila ng misis

Maging si Sen. Raffy Tulfo ay "naalarma" tungkol sa balitang ito kaya agad na nausisa ang Bureau of Immigration (BI) kung bakit napayagan silang mapalabas ng bansa, sa kabila ng kaliwa't kanang reklamong ibinabato sa kanila ng mga umano'y nahikayat na overseas Filipino workers (OFW) na mag-invest sa casino junket.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon naman sa BI, totoong nakaalis nga ng bansa ang dalawa subalit paliwanag nila, wala silang hawak na hold departure order at derogatory record ng dalawa.

Maaari naman daw maglabas ng look-out bulletin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawa kung sakaling may complaint o maghahaing reklamo sa prosecutor's office kontra sa kanila.

MAKI-BALITA: Yexel Sebastian, Mikee Agustin nakalabas ng bansa; netizens, nagwala

Ngunit sa isang Facebook post noong Huwebes, Oktubre 12, nilinaw ni Yexel na wala silang ni isang kaso sa Pilipinas kaya nakalabas sila ng bansa, at nasa batas daw ito.

Tinawag niyang "fake news" ang post ng isang netizen na nagbibigay-babala sa mga OFW sa Japan tungkol sa mag-asawa.

"FAKE NEWS po ito, wag po kayo magpakalat ng bagay na hindi totoo," ani Yexel.

"Nakaalis kami ng bansa dahil wala po kami ni isang kaso at 'yan naman po ay nasa batas."

"Meron pong due process ang lahat," giit ni Yexel.

Bago ito, nauna nang naglabas ng paunang pahayag si Yexel na lehitimo ang casino junket at hindi isang scam.

MAKI-BALITA: Yexel ipinagtanggol sarili, misis kaugnay ng ₱200-M investment scam