Nag-share si Unkabogable Star at “It’s Showtime” host Vice Ganda ng larawan kasama ang kaibigang si Luis Manzano na siyang main host ng “It’s Your Lucky Day” na pansamantalang pumalit sa noontime show.

Sa isang Instagram story nitong Biyernes, Oktubre 13, ibinahagi ni Vice ang all smiles photo nila ni Luis.

“It’s your LUCKY day! @luckymanzano,” ani Vice sa kaniyang IG story.

Courtesy: Vice Ganda/IG

'It's Showtime,’ pansamantalang nagpaalam sa madlang people

Matatandaang nito ring Biyernes noong pansamantalang nagpaalam ang It’s Showtime sa madlang people kaugnay ng 12 airing days suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa show.

Pinatawan ng MTRCB ang It’s Showtime ng 12 airing days suspension dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

https://balita.net.ph/2023/09/04/its-showtime-sinuspinde-ng-12-airing-days-ng-mtrcb/

Dahil dito, pansamantalang papalitan ng “It’s Your Lucky Day” ang “It’s Showtime” simula ngayong Sabado, Oktubre 14 hanggang sa Oktubre 27.

https://balita.net.ph/2023/10/12/its-your-lucky-day-inanunsyo-na-ilang-stars-nadagdag-sa-line-up-ng-hosts/