Go, Queen! 

Pasok ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa Top 10 ng Miss Universe 2023 pagdating sa fan votes, ayon sa Miss Universe Organization nitong Sabado, Oktubre 14.

Sa isang Facebook post, inihayag ng MOU ang top 10 candidates sa fan votes, in no particular order, kung saan kasama nga rito si Michelle Dee.

Miss Universe, ni-reveal top 10 candidates pagdating sa fan votes

Awtomatikong makakapasok sa semifinals ng pageant ang kandidatang makatatanggap ng pinakamataas na bilang ng fan votes, ayon sa MOU.

Para matulungang makapasok sa susunod na round si Michelle Dee, maaaring bisitahin ang vote.missuniverse.com o i-download ang Miss Universe app at sundin ang instructions.

Iaanunsyo umano ang candidate na mangunguna sa nasabing fan votes sa finals ng 72nd Miss Universe pageant sa darating na Nobyembre 18, 2023 sa El Salvador.

Mahigit 80 candidates naman mula sa iba’t ibang mga bansa ang maglalaban para sa titulo ng Miss Universe 2023.