“Last night, I made two of the most difficult phone calls I’ve had to make as President.”

Ito ang ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes, Oktubre 12, hinggil sa pagkamatay ng dalawang Pilipino sa Israel.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Miyerkules, Oktubre 11, na dalawang Pilipino ang naitalang namatay sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian group na Hamas.

MAKI-BALITA: 2 Pinoy, patay sa Israel-Hamas war

Internasyonal

Israel, nagdeklara ng ‘State of War alert’

“The nation is one in grieving with the families of the Filipinos who were killed in the attacks on Israel,” pahayag ni Marcos.

Nangako rin ang Pangulo na susuportahan ng pamahalaan ang mga pamilyang naulila ng nasabing dalawang Pinoy na nasawi.

“We will provide the utmost support to the families they were taken from,” ani Marcos.

“This tragedy will not deter our spirit. We will continue to stand for peace,” saad pa niya.

Matatandaang nagdeklara ang Home Front Command ng “State of War alert” noong Sabado, Oktubre 7, matapos umanong magpaulan ng rocket fire ang Hamas sa teritoryong hawak ng Israel.