Dinipensahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang anak na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte tungkol sa confidential at intelligence funds (CIFs) nito.
Sinabi ng dating pangulo na gagamitin ng bise presidente ang mga naturang pondo para maging “compulsory” ang military training sa mga high school at college student.
Nakita niya rin umano ang “rationale” ng Office of the Vice President (OVP) kung paano gagastusin ang mga naturang pondo at aniya wala raw mali rito.
“Kuha ko yung utak ni Inday (Sara Duterte),” saad ng dating pangulo sa kaniyang panayam sa SMNI noong Martes ng gabi, Oktubre 10.
“Gamitin niya sa mga BMT (Basic Military Training), palakasin niya sa high school pati ibalik talaga niya ang ROTC (Reserve Officers Training Corps), ipilit niya. So, make it compulsory, but that would be a long process kasi matagal na nawala ang compulsory ROTC,” dagdag pa niya.
Matatandaang ang iminungkahing confidential funds para sa OVP at DepEd para sa 2024 ay ₱500 milyon at ₱150 milyon, ayon sa pagkakabanggit.
Kamakailan lamang, inalis ng Kamara ang confidential funds ng limang mga ahensya ng gobyerno para sa 2024, ayon kay Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.
Kabilang ang OVP at DepEd sa mga tinanggalan ng confidential funds para sa 2024.
Ililipat umano ang confidential funds ng naturang mga ahensya para mga ahensyang dumidipensa sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at nakatutok sa “peace and order” ng bansa.
Maki-Balita: Confidential funds ng 5 gov’t agencies, inalis ng Kamara – Quimbo