Kinondena ng Office of the President (OP) ang pag-atake ng Palestinian group na Hamas sa bansang Israel.
“The Philippines conveys its deepest sympathies and condolences to those who have lost family members and loved ones in recent attacks,” pahayag ng OP nitong Linggo, Oktubre 8.
Binibgyang-diin din nitong kinokondena ng Pilipinas ang nangyaring pag-atake, lalo na umano laban sa populasyon ng mga sibilyan.
“The Philippines understands the right of states to self-defense in the light of external aggression as recognized in the United Nations Charter,” saad ng OP.
Matatandaang nagdeklara ang Home Front Command ng “State of War alert” nitong Sabado, Oktubre 7, matapos umanong magpaulan ng rocket fire ang Hamas sa teritoryong hawak ng Israel.
Umabot na umano sa mahigit 200 katao sa Israel ang nasawi dahil sa nasabing pag-atake ng Hamas.
Samantala, sa ngayon ay wala pa naman umanong naiulat na Pilipinong naapektuhan ng naturang kaguluhan.