Nagpahayag ng kalungkutan ang aktres at writer na si Bela Padilla sa kaniyang X account dahil sa reyalidad ng politika sa Pilipinas.

“Sad to open this platform to see that the most random of random people are now running for office,” saad niya sa kaniyang post noong Oktubre 5.

Kaya ang pakiusap niya: “Please be vigilant. Even if people are ‘nice,’ and they give away money, that has never been what it takes to have good governance. Being nice is different from kindness-kindness to know you shouldn’t run for office.”

https://twitter.com/padillabela/status/1709859720423469173

TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

Tila ang pahayag na ito ay may kaugnayan sa isa niyang hiwalay na post kung saan niya ibinahagi ang mga video na in-upload ng kolumnista at ekonomistang si JC Punongbayan.

Tampok sa post ni JC ang TikTok influencer na si Rolyn Jay Battad na tatakbo umano sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Matatandaang isa si Rolyn Jay Battad sa mga umaming nabayaran para siraan umano ang TV/social media personality, model, at negosyanteng si Maggie Wilson. 

Kaya ang sey ni Bela: “Isn’t this guy one of the influencers who said sorry for peddling fake news? mga taga Tanza…pakatatandaan! 😂”

https://twitter.com/padillabela/status/1709858856518426909